Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng lindol

Yumanig ang magnitude 3.3 na lindol sa Jose Abad Santos, Davao Occidental Sabado ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 120 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos dakong 8:12 ng umaga.

52 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa lugar.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...