Ang isa ay consultant ni Senator Pia Cayetano habang ang isa ay staff ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.
Ayon kay Senate Secretary Myra Marie Villarica, dumalo sa March 11 session ang consultant ni Cayetano.
Pero wala na ito sa special session ng senado noong Lunes.
Ito na ang ikalawang staff ni Cayetano na nagpositibo sa COVID-19.
Samantala, ang staff naman ni Revilla ay naka-confine sa ospital sa Cavite.
Nagtungo pa ito sa Senate premises noong March 16.
“The Senate will continue to coordinate with the Senators’ offices to address the needs and inquiries of the patients. The Senate Medical Team, following protocols, has immediately proceeded with contact tracing,” ayon kay Villarica.