Sa kanilang advisory, sinabi ng Petron na 70-centavos ang kanilang ibabawas sa presyo ng kanilang gasolina, 95-centavos naman ang dagdag sa diesel at P1.05 para sa kerosene o gaas.
Nauna dito ay sinabi ng Seaoil na 6AM din bukas ay magkakaroon sila ng price adjustment kung saan ay 70-centavos na bawas para sa kanilang gasolina samantalang 95-centavos naman na dagdag para sa diesel at P1.05 para sa gaas o kerosene.
Ang iba pang mga kumpanya tulad ng Shell, Caltex at Phoenix Petroleum ay nagsabi na magpapatupad din sila ng price adjustments.
Bawas na 70-centavos para sa gasolina at dagdag na 95-centavos para sa diesel at P1.05 naman para sa kerosene.
Sinasabing may kaugnayan sa pag-galaw sa presyo ng petrolyo sa world market ang magaganap na price adjustments dito sa ating bansa.