Mga oil companies magpapatupad ng dagdag-bawas mga presyo

By Den Macaranas February 08, 2016 - 08:26 PM

gasNag-anunsyo na ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis epektibo alas-sais ng umaga bukas February 9.

Sa kanilang advisory, sinabi ng Petron na 70-centavos ang kanilang ibabawas sa presyo ng kanilang gasolina, 95-centavos naman ang dagdag sa diesel at P1.05 para sa kerosene o gaas.

Nauna dito ay sinabi ng Seaoil na 6AM din bukas ay magkakaroon sila ng price adjustment kung saan ay 70-centavos na bawas para sa kanilang gasolina samantalang 95-centavos naman na dagdag para sa diesel at P1.05 para sa gaas o kerosene.

Ang iba pang mga kumpanya tulad ng Shell, Caltex at Phoenix Petroleum ay nagsabi na magpapatupad din sila ng price adjustments.

Bawas na 70-centavos para sa gasolina at dagdag na 95-centavos para sa diesel at P1.05 naman para sa kerosene.

Sinasabing may kaugnayan sa pag-galaw sa presyo ng petrolyo sa world market ang magaganap na price adjustments dito sa ating bansa.

TAGS: Caltex, oil price, Petron, Seaoil, Shell, Caltex, oil price, Petron, Seaoil, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.