Mahigit P10B dividends nai-remit ng mas maaga ng DOTr sa National Treasury
Aabot sa mahigit P10 billion ang advance remittance ng Department of Transportation (DOTr) sa pamahalaan na magagamit sa pagsugpo sa coronavirus disease o COVID-19.
Ayon sa DOTr ang sampung bilyong piso ay kumakatawan sa dividends ng tatlong ahensya sa ilalim nito para sa fiscal year 2019 partikular ang Philippine Ports Authority na nagremit ng mahigit P4B; Civil Aviation Authority of the Philippines na mayroong P3 billion at Manila International Airport Authority na P3 billion.
Sa ilalim ng batas, lahat ng Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) ay kinakailangang mag-rewmit ng lahat ng kanilang minimum dividends sa National Treasury kada May 15 ng bawat taon.
Pinapurihan naman ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang mga hakbang na ginagawa ng mga nasabing ahensya sa ilalim ng transport department para mapanatili ang kanilang good financial performance sa loob ng nakalipas na apat na taon.
Sabi ni Tugade, “These remittances are the people’s money and we are giving it back at the soonest possible time when it is very much needed with urgency. Napapanahon at nararapat lamang na pakinabangan ito ng mga taumbayan lalo sa panahon ng pagsubok na ito.”
Ang mga nasabing GOCC sa ilalim ng DOTr ay nasa listahan ng National Treasury noong 2012 na nag-remit ng may pinakamalalaking dividends.
Simula nang pumasok ang Duterte administration noong 2016 nabatid na ang nasabing mga ahensya ay laging nagreremit ng bilyun-bilyong piso sa kaban ng bansa kada taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.