Opisyal ng Philippine Army namatay sa marathon event

By Den Macaranas February 08, 2016 - 08:22 PM

arnold lubang
FB photo

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital si Philippine Army Major Arnold Lubang makaraan siyang bumagsak isang kilometro ang layo bago ang finish line ng 21-Kilometer Condura Skyway Marathon sa Alabang Muntinlupa City.

Sinabi ng mga duktor sa Asian Hospital and Medical Center na inatake sa puso ang 40-year old na opisyal.

Si Lubang ay isang beteranong runner base na rin sa pahayag ng kanyang mga kasamahan.

Bahagi ng Philippine Military Academy Class of 2000, si Lubang ay recipient din ng Gold Cross Medal na siyang ikatlo sa pinakamataas na parangal sa mga kagawad ng militar.

Kaagad namang nagparating ng pakikiramay ang mga organizers ng nasabing fun run.

Ang mga nalikom sa nasabing marathon event ay ibibigay sa mga naulilang kapamilya ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines.

TAGS: Arnold Lubang, marathon, Philippine Army, Arnold Lubang, marathon, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.