Mga tricycle drivers na nawalan ng kita, bibigyan ng trabaho ng QC

By Jong Manlapaz March 27, 2020 - 05:12 PM

Bibigyan ng Quezon City government ng alternatibong pangkabuhayan ang mga tricycle drivers na nawalan ng kabuhayan dahil sa enhance community quarantine.

Ayon kay Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, gagawing taga-deliver ng mga family foodpacks sa iba’t ibang barangay ang mga tricycle driver.

Magsisimula ang proyekto sa susunod na araw ng Martes na pangungunahan ng Tricycle Regulatory Division (TRD), pansamantala nasa 60 tricycle drivers muna ang kukunin para makatulong sa local government na magdeliver ng relief goods sa mga residente ng syudad.

“Inatasan ng LGU ang tricycle drivers para sa paghahatid ng tulong sa ating mga mamamayan para magkaroon din sila ng kita para sa pangangailangan ng kanilang pamilya,” ani Kimpo.

Samantala, pinag aaralan rin ni TRD head Ben Ibon na kumuha ng 10 tricycle drivers mula specific Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) bawat distrito para magtrabaho kada araw.

“Kada araw, ibang TODA naman ang pagkukunan natin ng tao at rotation ang duty para magkaroon ng pagkakataon ang lahat na kumita kahit paano,” sabi ni Ibon.

Ang mga Tricycle drivers ay babayan ng P500 per shift, habang libre na ang kanilang pagkain.

“Ang kanilang magiging trabaho ay tumulong sa paghahanda ng family food packs.” ayon kay Ibon.

Maliban pa dito, humahanap pa ng ibang paraan ang local government para matulungan ang mga tricycle drivers na ang kanilang kabuhayan ay tumigil dahil sa enhanced community quarantine dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, quezon city, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, tricycle driver, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, quezon city, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, tricycle driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.