Mga dayuhan papayagang lumabas ng bansa kahit walang ACR I-cards ayon sa BI
Pansamantala ay papayagan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga dayuhan na makalabas ng bansa kahit wala silang Alien Certificate of Registration Identity Card (ACR I-Card).
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, dahil ito sa umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine.
Sa ilalim ng polisiya ng BI, ang mga paalis na dayuhan require departing foreigners kung walang ACR I-Card ay kailangan nilang kumuha ng waiver order mula sa main office ng ahensya.
Sa ngayon ani Morente, hindi na muna hahanapan ng waiver orders ang mga dayuhan.
“We will no longer be requiring ACR I-Card Waiver Orders for departing foreign nationals. With the rapid spike in COVID-19 cases, we were prompted to take additional measures to lessen person to person contact,” ani Morente.
Sa halip sinabi ni Morente sapat na muna sa ngayon na makapagpakita ng passports at valid visas ang mga dayuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.