Isa pang opisyal ng DOH positibo sa COVID-19
By Ricky Brozas March 27, 2020 - 02:45 PM
Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 ang isa sa kanilang mga opisyal.
Ayon sa kalihim, ang naturang DOH official ay nagpapakita ng mild symptoms.
Pero wala nang ibinigay na iba pang detalye si Duque maliban sa ang pasyente ay isang undersecretary.
Hindi muna pinangalanan ang opisyal para ipaubaya na lamang sa DOH ang anunsyo.
Nauna nang kinumpirma ng DOH na may isa silang direktor na nag-positibo sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.