Ayon kay Poe hindi naman maipapatupad ang mga programa at proyekto na napaglaanan ng naturang pondo dahil sa COVID-19 pandemic.
Batid naman aniya ng lahat na nawalan ng pinagkakakitaan ang mga driver dahil sa natigil ang kanilang pamamasada bunga ng enhanced community quarantine.
Sa kanyang pagtatantiya, may 130,000 jeepney drivers at 65,000 transport network vehicle service drivers sa buong bansa.
Sa Metro Manila, may 13,000 bus drivers at halos 47,000 motorcycle taxi drivers.
Banggit ni Poe, sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, may kapangyarihan ang Pangulo na ipatigil ang mga programa at proyekto at ang matitipid na pondo ay maaring ilaan sa kampaniya kontra COVID-19 o sa mga programa para sa mga apektadong mamamayan.
“Ang pondo na pangtayo dapat ng proyekto ay ipamigay na o ipambili na lang ng pagkain ng mga drayber ng mga pampublikong sasakyan. Surely, no one will contest that the right to food of a PUV driver is more important than some obscure project,” ani Poe.