BREAKING: AFP chief Gen. Felimon Santos Jr. nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Gen. Felimon Santos Jr.

Kinumpirma ito ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Ayon kay Lorenzana, ngayong Biyernes (March 27) ng umaga ipinaalam sa kaniya ni Santos na positibo ito sa sakit.

Kahapon umano nakuha ni Lorenzana ang resulta ng kaniyang COVID test.

Dahil dito, sinabi ni Lorenzana na sasailalim siya sa self-quarantine simula ngayong araw.

Ani Lorenzana, dalawang beses siyang nagkaroon ng direct contact kay Santos.

Read more...