Ayon kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, isang taon at siyam na buwang gulang ang batang babae na taga-Barangay Ilaya, Calapan City.
Sinabi ng gobernador na ang bata ay may history of travel sa Alabang mula March 5-March 12.
Dahil anya napakabata ng pasyente humiling ito sa Department of Health (DOH) na muling ipasuri para sa confirmatory test ang specimen ng bata ito naman anya napagbigyan.
Isasailalim na rin sa COVID-19 test ang guardians ng bata habang kasalukuyang naka confined sa ospital ang pasyente.
Nagsasagawa na rin anya ang pamahalaang panlalawigan ng contact tracing at ang lahat ng kinakailangang protocols upang mahanap ang mga nakasalamuha ng bata.
Samantala, pito naman sa 13 nilang ipinasuri ang nag negatibo habang hinihintay pa ang ibang resulta.