Decontamination sa iba’t ibang barangay sa QC tuloy-tuloy
Puspusan ang ginagawang pagdi-disinfect ng mga barangay sa Quezon City sa kanilang mga nasasakupang mga kalsada.
Ito ay para mas matiyak na mapanatili ang kalinisan, at mai-iwas sa virus ang mga residente.
Katuwang ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council, QC Fire District at iba pang fire volunteers sa ginagawang operasyon.
Sa decontamination operation, ideneploy sa iba’t ibang barangay ang 54 na mga fire truck.
Binombahan ng mga bombero ng tubig na may disinfectant solution ang mga main road, mga establisyimento, pati na mga maliliit na tindahan, at mga eskinita kung saan madalas na daanan ng mga residente.
May ilang barangay naman tulad ng South Triangle ang nagdi-disinfect ng kalsada sa gabi habang nagpapatugtog ng kantang “heal our land”.
Nanawagan ang QC LGU at QCDRRMO sa mga residente sa lungsod na bukod sa paglilinis sa katawan, ay panatilihing malinis din ang kanilang bahay at kapaligiran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.