Bilang ng naaresto sa Navotas dahil sa paglabag sa ECQ umabot sa 42

By Dona Dominguez-Cargullo March 27, 2020 - 10:26 AM

Sa nakalipas na magdamag mayroong nadakip na 42 katao na lumabag sa enhanced community quarantine sa Navotas City.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, nakalulungkot na sa araw-araw ay patuloy ang pagdami ng mga lumalabag sa alituntunin.

“Dumadami ang ating mga PUI at PUM, ngunit marami pa rin ang ating mga huli na hindi sumusunod sa Enahanced Community Quarantine. Kailan po ba tayo matututo,?” Ayon kay Tiangco.

Mayroong Task Force NavoDAMPOT sa Navotas na humuhuli sa mga lumalabag sa home quarantine.
Ang mga nasa wastog gulang na naaaresto ay ikinukulong at sinasampahan ng kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code.

Sinabi ni Tiangco na sa pagsuway sa home quarantine, hindi lang ang sarili ang inilalagay sa panganib kundi pati ang kanilang pamilya at ang mga tao sa paligid.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, Navotas City, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, Navotas City, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.