Taguig LGU magbibigay P4,000 na tulong sa mga driver ng jeep, pedicab at tricycle

Makatatanggap ng tulong-pinansyal ang mahigit 15,000 na miyembro ng asosasyon ng jeepney drivers, tricycle drivers at pedicab drivers sa Taguig City.

Ayon sa Taguig LGU, tatanggap ng tig P4,000 kada buwan sa loob ng susunod na dalawang buwan ang mga driver.

Tulong ito ng LGU sa mga driver ng jeep, pedicab at tricycle sa lungsod na apektado ng umiiral na enhanced community quarantine.

Hindi kasi sila nakakabiyahe kaya wala silang pinagkakakitaan sa ngayon.

Read more...