DepEd official sa Mandaluyong nagpositibo sa COVID-19
Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na isang opisyal nila mula sa Mandaluyong ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa pahayag ng DepEd, isang school division official sa Mandaluyong ang positibo sa sakit.
Naka-admit sa ospital ang pasyente at may senyales naman ng paggaling.
Wala naman sa mga kasamahan at nakasalamuha nito ang nagpapakita ng sintomas sa ngayon.
Ang nasabing opisyal ay dumalo sa mga national event gaya ng National Festival of Talents (NFOT) at National Schools Press Conference (NSPC).
Ayon sa DepEd nakipag-ugnayan na sila sa Department of Health at iniutos na ni Health Sec. Francisco Duque III ang pagsasagawa ng contact tracing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.