Davao City, Davao del Sur niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao del Sur

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 14 kilometers Northwest ng bayan ng Davao City, alas-5:25 umaga ng Biyernes (March 27).

May lalim na 22 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...