WATCH: Mensahe ng Pinoy na nakikipaglaban sa COVID-19 sa New York

By Dona Dominguez-Cargullo March 27, 2020 - 08:03 AM

Isang Pinoy na naninirahan sa New York ang tinamaan ng COVID-19.

Naka-admit ngayon sa New York University Hospital ang Pinoy na si Anthony Catabay.

Nagkaroon ng tsansa na makapagbahagi ng maiksing video si Catabay sa pamamagitan ng Facebook live.

Pinaalalahanan niya ang lahat ng maging maingat dahil hindi biro ang tamaan ng sakit.

Aniya hirap na hirap siya sa kaniyang sitwasyon.

Naka oxygen si Catabay at halata sa pagsasalita nitong hirap pa din siyang huminga.

Hiniling nitong ipagdasal siya at ang kaniyang pamilya.

Si Catabay ay isang linggo nang nakikipaglaban sa sakit.

TAGS: COVID-19, Filipino in new york, Health, Inquirer News, New York University Hospital, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, Filipino in new york, Health, Inquirer News, New York University Hospital, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.