LPA magpapaulan sa Davao Region at South Cotabato
Maghahatid ng pag-ulan sa Davao Region at sa South Cotabatoa ng binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa bansa.
Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 530 kilometers east southeast ng Davao City.
Ayon sa PAGASA, dahil sa LPA ang Davao Region at South Cotabato ay makararanas ngayong araw ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap papawirin na mayroong isolated na pag-ulan.
Ayon sa PAGASA maliit ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang LPA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.