Tatlo pang Pinoy nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong

Tatlong Filipino nationals pa sa Hong Kong ang nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ito ng Philippine Consulate General Office sa Hong Kong base sa datos na inilabas ng Hong Kong Health Department.

Sa ngayon ayon sa konsulada, umabot na sa 16 na Filipino ang positibo sa COVID-19 na nagpapagaling sa iba’t ibang pagamutan sa Hong Kong.

Tiniyak ng Philippine Consulate General na naibibigay ang karamtang pangangailangan ng mga pasyente.

Dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga Pinoy sa Hong Kong na tinatamaan ng sakit nananawagan ang konsulada sa Filipino community na magdoble ingat pa at manatili lamang sa kanilang mga tahanan.

Read more...