NAIA Terminal 2, 3 at 4 isasara simula March 28

By Dona Dominguez-Cargullo March 27, 2020 - 06:14 AM

Simula bukas, March 28 isasara na ang NAIA Terminal 2, 3 at 4 at lahat ng flights ay sa Terminal 1 na lang mag-ooperate.

Ayon sa pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) marami nang air carriers ang nagsuspinde ng operasyon dahil sa epekto ng COVID-19.

Epektibo alas 12:01 ng madaling araw ng March 28, ang sumusunod na airlines ay sa NAIA Terminal 1 na lang muna mag-ooperate:

Gulf Air
Korean Airlines
Asiana Airlines
China Airlines
Hong Kong Air
Eva Air
Japan Airlines
Royal Brunei
All Nippon Airways
Cathay Pacific
Qatar Airways
Singapore Airlines

Ang Oman Air at Jeju Air ay titigil na rin muna sa kanilang operasyon simula ngayong araw, March 27.

Habang simula sa Linggo, March 29 ay sususpindihin na rin ng Singapore Airlines ang kanilang operasyon.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal ang hakbang ay kasunod ng konsultasyon sa Airline Operators Council (AOC) at base na rin sa utos ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

TAGS: Inquirer News, MIAA, NAIA, naia terminal 1, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, MIAA, NAIA, naia terminal 1, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.