Sen. Tolentino, humirit ng COVID-19 ships

By Jan Escosio March 26, 2020 - 09:49 PM

Hiniling ni Senator Francis Tolentino sa Department of Transportation (DOTr) na gamitin an mga bakanteng barko bilang hospital ship dahil sa kakulangan ng espasyo sa mga ospital para sa COVID-19 patients.

Ayon kay Tolentino, may kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte base sa Bayanihan to Heal as One Act na italaga ang mga pampasaherong barko bilang quarantine hospital.

Sa kanyang sulat kay Transport Secretary Arthur Tugade, sinabi ni Tolentino na maaring magtalaga ng tig-isang hospital vessel sa Manila Port, Cebu Port at Davao Port.

“Mas maganda gamitin natin ang mga barko na marahil ay nakadaong lang ngayon para magamit ito ng ating mga health workers bilang mga ospital at titirhan nila,” ayon sa senador.

Binanggit nito na ang hindi na pagtanggap ng ilang pribadong ospital ng COVID-19 patients dahil wala na silang mapapaglagyan pa ng mga karagdagang pasyente.

TAGS: Bayanihan to Heal as One Act, Cebu Port, COVID-19 patients, COVID-19 ships, Davao Port, dotr, hospital ship, Inquirer News, Manila Port, Sen. Francis Tolentino, Bayanihan to Heal as One Act, Cebu Port, COVID-19 patients, COVID-19 ships, Davao Port, dotr, hospital ship, Inquirer News, Manila Port, Sen. Francis Tolentino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.