outbrain

Bilang ng Filipino na apektado ng COVID-19 sa ibang bansa, nasa 203 na – DFA

By Angellic Jordan March 26, 2020 - 06:37 PM SHARE(S):

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 26, nasa 203 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 26 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 93 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 107 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Nakapagtala ng isa pang nasawi na Filipino sa ibang bansa. Dahil dito, tatlo na ang nasawi.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 115 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 43 kaso, Middle East may 23, habang ang Americas naman ay may 22 cases.

TAGS: COVID-19 positive, COVID-19 update, DFA, Inquirer News, COVID-19 positive, COVID-19 update, DFA, Inquirer News

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.