Pasig LGU, magbibigay ng P3,000 financial assistance sa public transport drivers na apektado ng ECQ
Magbibigay ang lokal na pamahalaan ng Pasig ng financial assistance sa mga public transport driver na apektado ng ipinatupad na enhanced community quarantine.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, P3,000 ang ibibigay na tulong pinansiyal sa bawat public transport driver.
Kabilang aniya rito ang 5,800 jeepney drivers, 12,000 na tricycle drivers at 700 UV drivers.
Sinabi ng alkalde na aabot sa P55.5 milyon ang ilalaang pondo para rito.
Gagawin aniyang by schedule ang pamamahagi ng financial assistance sa mga public transport driver.
Sisimulan ito sa araw ng Lunes, March 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.