Binabantayang LPA, wala pang direktang epekto sa bansa – PAGASA
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Sheilla Reyes na hanggang 3:00, Huwebes ng hapon (March 26), huling namataan ang sama ng panahon sa 555 kilometers East Southeast ng Davao City.
Maliit pa rin aniya ang tsansa na lumakas ang sama ng panahon at maging isang tropical depression.
Dagdag pa nito, walang direktang epekto ang LPA sa anumang bahagi ng bansa.
Samantala, umiiral pa rin ang Easterlis o hangin mula sa Pacific Ocean sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Reyes na magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan sa Metro at nalalabing bahagi ng bansa.
Posible lang aniyang makaranas ng isolated na pag-ulan o thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.