Brgy. Sto. Cristo sa Quezon City, may dalawang kumpirmadong kaso ng COVID-19

By Jong Manlapaz March 26, 2020 - 04:56 PM

Mag-asawa na residente ng Grass Residence na pagmamay-ari ng SMDC sa Barangay Sto. Cristo ang nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Ayon kay Brgy. Sto. Cristo Captain Mac Navarro, ang mag-asawa na nasa edad 52 at 51 at naka-confine sa isang pribadong hospital.

Isinailalim naman na sa 14-day quarantine ang dalawang anak ng mag-asawa na hindi muna pinapalabas ng kanilang unit.

Nagsagawa na ng disinfection ang Q.C. Health Department, maging ang Barangay Sto. Cristo, sa unit maging sa buong palapag na kinaroroon ng unit ng mag-asawa.

Dahil dito, umapela si Navarro sa mga residente na panatilihin ang kooperasyon at manatili sa loob ng mga bahay at mag-doble ingat upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Ang mag-asawa ay kabilang sa 87 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

TAGS: Brgy. Sto. Cristo Captain Mac Navarro, COVID-19 update, Inquirer News, Brgy. Sto. Cristo Captain Mac Navarro, COVID-19 update, Inquirer News

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.