Ikinalungkot ni Legarda ang pagkamatay ng maraming doktor sa COVID-19 at nagpahayag ng pagkabahala para sa libu-libong medical practitioners na patuloy na nae-expose sa virus dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Umaasa itong sa pamamagitan ng Bayanihan to Heal as One Act, mabibigyan ng kinakailangang suporta ang lahat ng frontliners para sa mabilis at epektibong pagtugon sa COVID-19.
Umapela rin ito sa publiko na huwag nang dagdagan ang stress ng health workers sa pamamagitan ng pananatili sa loob ng bahay at pagsunod sa ipinatutupad na protocols at safety measures sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine period.
Binanggit ni Legarda na nakapaloob sa Bayanihan Act ang special risk allowance bukod pa sa hazard pay, gayundin ang gastos sa pagpapagamot sa mga exposed sa virus.
Itinatakda ng batas ang pagbibigay ng P100,000 sa public at private health workers na tatamaan ng coronavirus at P1 milyon para sa pamilya kung masawi ang health workers.