outbrain

Liza Marcos sa kondisyon ni Bongbong Marcos: “He is not dying, Nor is he dead”

By Angellic Jordan March 26, 2020 - 02:41 PM

“He is not dying, Nor is he dead”

Ito ang paglilinaw ni Atty. Liza Marcos ukol sa lagay ng kalusugan ng kaniyang asawa na si dating Sen. Bongbong Marcos.

Sa inilabas na pahayag, sinabi nito na maayos ang kondisyon ni Bongbong Marcos.

“Contrary to the rumors currently circulating, my husband is well. His lungs did not collapse. He was not airflifted in Manong Chavit’s plant to get treatment in Singapore,” ayon sa abogado.

Ipinakita rin nito ang larawan ng dating senador na kinunan aniya, Huwebes ng umaga (March 26).

Aniya pa, sumailalim na sila kasama ang kanilang buong staff sa COVID-19 testing at negative aniya ang resulta.

“We are taking the COVID-19 outbreak SERIOUSLY and have instituted sanitation procedures here at home. We hope you and your family do the same,” dagdag nito.

Nagpasalamat naman si Liza Marcos sa lahat ng nagpakita ng pag-aalala sa lagay ng kondisyon ng dating senador.

TAGS: Atty. Liza Marcos, bongbong marcos, COVID-19 update, Inquirer News, Atty. Liza Marcos, bongbong marcos, COVID-19 update, Inquirer News

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.