outbrain

Mobile Palengke ng Pasig muling nag-ikot

By Jong Manlapaz March 26, 2020 - 02:03 PM SHARE(S):

Nagsimula muling mag-ikot ang Mobile Palengke ng Pasig City, araw ng Huwebes (March 26).

Ang Mobile Palengke ay nasa mga Barangay ng San Joaquin sa All Villas (Ulilang Kawayan), Barangay Bambang sa Basketball Court, Barangay Sagad sa kalye ng E. Angeles malapit sa Barangay Hall, Barangay Rosario sa Ramos compound/Buenmar, Eastbank Road, at Barangay Sta. Lucia sa kalye ng Tawi Tawi.

Pinaalalahan naman ni Mayor Vico Sotto ang lahat ng mamimili na panatilihin ang isang metrong distansya sa bawat isa.

Ang Mobile Palengke ay binuo ng Pasig City para maiwasan na dumagsa ang mga tao sa mga palengke, lalo na sa kasagsagan ng ipinatutupad na enhance community quarantine.

TAGS: COVID-19 update, Inquirer News, Mayor Vico Sotto, Mobile Palengke sa Pasig, COVID-19 update, Inquirer News, Mayor Vico Sotto, Mobile Palengke sa Pasig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.