outbrain

Sen. Koko Pimentel namili pa sa S&R BGC noong March 16

By Dona Dominguez-Cargullo March 26, 2020 - 01:12 PM

Kinumpirma ng pamunuan ng S&R Membership Shopping na namili pa sa kanilang BGC, Taguig Branch si Senator Koko Pimentel III.

Kumalat ang bali-balita online na nakita si Pimentel na nagsho-shopping sa S&R sa BGC kaya agad ipina-review ng pamunuan ng S&R ang kanilang CCTV.

Doon nakumpirma na nagtungo nga sa S&R ang senador noong March 16, 2020. Nakita siya sa counter dakong ala 1:59 ng hapon.

Dahil dito, nagpasya ang S&R na isailalim sa quarantine ang mga emplayado na nakasalamuha ng senador.

Nagsagawa din ng disinfection sa naturang S&R branch.

Ayon sa S&R araw-araw naman silang nagsasagawa ng disinfection sa kanilang mga store.

Kabilang sa isinasailalim sa disinfection ang mga cart, front-end belts, items shelves at cash registers.

TAGS: covid positive, COVID-19, Koko Pimentel, S&R BGC, Sr, covid positive, COVID-19, Koko Pimentel, S&R BGC, Sr

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.