Kaso ng COVID-19 sa QC nadagdagan pa; bilang ng nasawi umabot na sa 13

Muling nadagdagan ng 15 pa ang bilang ng mga positibo sa COVID-19 ang Quezon City.

Sa kabuuan aabot na ang kaso ng COVID-19 salungsod sa 87 ngayong araw ng Huwebes, March 26, 2020.

Ito ay ayon kay Dr. Rolly Cruz, head ng QC Epidemiology and Surveilance Unit kasabay ng panawagan ng opisyal sa mga taga QC na huwag nang lumabas ng bahay ay sumunod sa ipinag-uutos ng pamahalaan.

Paliwanag ni Dr. Cruz, napakalaki ng tsansa na mahawa ng COVID-19 kapag lumabas, kahit hindi maubuhan ng isang positibo sa COVID-19.

Maaari kasing mahawa kung ang hinawakan ng pasyente ay hahawakan din ng isa katulad na lamg ang supermarket cart, railings at iba pang bagay na nahawakan ng COVID-19 positive.

Ang bagong 15 COVID-19 cases ay mula sa District 1- Barangays Manresa-1, Siena-2, Sto. Cristo-2 , District 3 sa barangays Matandang Balara- 1 at Ugong Norte -1.

Sa District 4 sa barangays Kalusugan-1, BL Crame-2, San Isidro Galas-1 at Valencia-1 at sa District 6 sa Barangays Tandang Sora- 1 at Culiat-2.

Tumaas din ang bilang ng namatay dahil sa COVID-19 sa QC matapos na madagdagan ng 3 na ngayon ay may kabuuan ng 13 katao sa QC ang nasawi.

Nananatili naman sa 7 ang gumaling sa COVID-19 sa QC.

Patuloy na nasa ilalim ng Extreme Enhance Community Quarantine (Red Zone) ang mga Barangays Tandang Sora, Kalusugan, Ramon Magsaysay, Maharlika, Tatalon, Batasan Hills, PAsong Tamo, Central, San Roque, Paligsahan, BL Crame, South Triangle at Culiat dahil sa may mahigit 2 kaso ng COVID-19 sa lugar.

Natapos naman ang pag-disinfect sa Barangay Masagana, San Roque at Bagong Pag-Asa.

May kabuuang 490,000 food packs na ang naipamahagi ng QC government sa mga taga lungsod.

Upang mapanatili ang pagpapairal ng social distancing, binuhay ang operasyon ng QC Task Force Clearing para subaybayan ang galaw ng mga tao sa iba’t ibang lugar sa QC at mapanatiling nasa kanilang mga tahanan ang mga residente ng lungsod.

Read more...