Pulis-Maynila na nagbanta na babarilin ang mga lalabas nang wala sa oras, binatikos

By Ricky Brozas March 26, 2020 - 11:49 AM

Binabatikos ngayon ang isang pulis sa Maynila na nakuhanan ng video kung saan binanggit nitong “Lahat ng lalabas nang wala sa oras, babarilin na.”

Nabatid na nangyari ang insidente sa Muslim Town (Golden Mosque) sa Quiapo, Maynila kahapon, kaugnay sa umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Bukod sa kanyang bantang babarilin ang taong lalabas nang wala sa oras, ang pulis ay namamalo pa raw ng mga residente.

Ayon Kay Manila Police District o MPD Spokesman Police Lt. Col. Carlo Manuel, si Police Lt. Col. Rey Magdaluyo ang pulis na nasa video.

Si Magdaluyo ang commander ng MPD station 3, at kilala sa mga police operation nito dahil lagi siyang may dalang arnis.

Tinatawagan ko si Magdaluyo para hingin ang kanyang panig, at kanyang kinumpirma na siya ang nasa video.

Wala umano siyang pagsisisi sa ginawa dahil ipinatupad lamang niya ang batas.

May PUIs at PUMs umano sa naturang lugar, kaya dapat ay mag-ingat at makiisa ang lahat sa quarantine. Pero sadyang may matitigas ang ulo at ayaw sumunod.

Pero ayon kay MPD chief Police Brig. Gen. Rolly Miranda, paiimbestigahan niya ang nangyari.

Aniya pa, hindi dapat daanin sa init ng ulo ang pagpapatupad ng batas.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, manila police, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, quiapo, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, manila police, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, quiapo, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.