Ayon kay Romualdez, naka-activate na ngayon ang kanyang ‘work from home’ system upang matutukan ang mga hakbang na kailangan ng pamahalaan para malabanan ang COVID-19.
Maging ang kanyang mga staff ay inatasan na niyang mag-self quarantine na rin ngunit tuloy pa rin sila pagtupad sa mga naiwang tungkulin.
Sinabi ni Romualdez na wala siyang naging close-contact sa mga kasamang kongresista noong Lunes pero bilang bahagi ng precautionary measures ay dapat silang sumunod sa 14-day self-quarantine.
Samantala, kahit si Speaker Alan Peter Cayetano na naka-home quarantine din ay tuloy ang partisipasyon sa mga hakbang ng gobyerno laban sa coronavirus.
Hiniling ng Kamara na sumunod ang lahat ng mga protocols upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Humingi din ang mga ito ng dasal sa mga kasamang mambabatas na nagkasakit gayundin sa lahat ng mga taong tinamaan at kasalukuyang nakikipaglaban ngayon sa COVID-19.