outbrain

Trabaho ng Kamara tuloy kahit naka-self-quarantine ang mga lider nito

By Erwin Aguilon March 26, 2020 - 11:28 AM SHARE(S):

Siniguro ni House Majority Leader Martin Romualdez na tuloy pa rin ang kanilang trabaho sa kabila ng pagsasailalim sa self-quarantine matapos na magpositibo si House Appropriations Committee Chair Eric Yap sa COVID-19 na nakasama nila sa special session nitong Lunes.

Ayon kay Romualdez, naka-activate na ngayon ang kanyang ‘work from home’ system upang matutukan ang mga hakbang na kailangan ng pamahalaan para malabanan ang COVID-19.

Maging ang kanyang mga staff ay inatasan na niyang mag-self quarantine na rin ngunit tuloy pa rin sila pagtupad sa mga naiwang tungkulin.

Sinabi ni Romualdez na wala siyang naging close-contact sa mga kasamang kongresista noong Lunes pero bilang bahagi ng precautionary measures ay dapat silang sumunod sa 14-day self-quarantine.

Samantala, kahit si Speaker Alan Peter Cayetano na naka-home quarantine din ay tuloy ang partisipasyon sa mga hakbang ng gobyerno laban sa coronavirus.

Hiniling ng Kamara na sumunod ang lahat ng mga protocols upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Humingi din ang mga ito ng dasal sa mga kasamang mambabatas na nagkasakit gayundin sa lahat ng mga taong tinamaan at kasalukuyang nakikipaglaban ngayon sa COVID-19.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, House of Representatives, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, work from home, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, House of Representatives, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, work from home

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.