outbrain

Staff ng Korte Suprema nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo March 26, 2020 - 11:02 AM SHARE(S):

Isang staff ng Korte Suprema ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa inilabas na pahayag ng tanggapan ni Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier, ang pasyente ay staff sa opisina ng mahistrado.

Nakaranas ito ng lagnat mula March 12 hanggang 18.

MArch 12 nang huli siyang pumasok sa trabaho.

March 13 naman nang magsagawa ng sanitation sa opisina.

Nagpasuri ito sa COVID-19 noong March 19 at March 24 nang lumabas na positibo ang resulta.

Nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasabay nito sa Supreme Court Bus number 8 papasok ng trabaho at pauwi ng bahay.

Nag-self quarantine na din ang mga katrabaho nito na kaniyang nakasalamuha.

 

 

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, sc staff, State of Emergency, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, sc staff, State of Emergency, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.