Pimentel sa MMC: I apologize, I never intended to breach any protocol
Nagpaliwanag si Senator Koko Pimentel III sa pagpunta niya sa Makati Medical Center Miyerkules (March 24) ng gabi kung saan sinamahan niya ang buntis na asawa na naka-schedule dapat para manganak kinabukasan.
Ayon kay Pimentel, sa pagitan ng alas 6:00 at alas 7:00 ng gabi sila dumating sa MMC at alas 9:00 ng gabi niya natanggap ang tawag mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nagsasabing siya ay positibo sa COVID-19 test.
Ani Pimentel, nasa loob na siya ng ospital nang malamang positibo siya sa sakit, at agad niya itong ipinagbigay alam sa OB Gyne ng kaniyang asawa at agad din siyang umalis sa ospital.
Nang mga oras na iyon sinabi ng senador na hindi siya umubo, wala din siyang lagnat at nakasuot siya noon ng face mask at gloves.
“We arrived in MMC at around 6-7 pm of March 24, 2020. RITM called me at 9 pm of March 24, 2020 to inform me of the positive covid result. I was already inside the hospital when I got the information. I immediately informed the OB-gyne doctor assisting my wife about the result and I then left the hospital premises. (I was not coughing and I didn’t have a fever the short time I was in the MMC premises and was wearing face mask and gloves.)” ayon kay Pimentel.
Sinabi ni Pimentel na hindi niya intentsyon na labagin ang protocol na ipinatutupad sa ospital.
Pero batid umano niya ngaon na dahil sa kaniyang presensya ay nagdulot ng takot at pangamba sa mga frontliner ng ospital.
“I never intended to breach any protocol but I realize now that my presence in MMC unnecessarily caused additional anguish and concern to the courageous frontline health workers we all depend on. I was simply there to be with my wife during the birth of our daughter,” dagdag ni Pimentel.
Kasabay nito hiniling ni Pimentel ang pang-unawa ng lahat at hiniling na payagan siyang maka-recover muna sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.