Dalawang kongresista na ang positibo sa COVID-19

By Erwin Aguilon March 26, 2020 - 09:05 AM

Dalawa nang kongresista ang positibo ngayon sa COVID-19.

Sa Facebook post ni Isabela Rep. Tonypet Albano, bukod kay House Appropriations Chairman Eric Go Yap ay may isa pa silang kasamahang mambabatas na COVID-19 positive.

Hindi naman idinetalye ni Albano kung sino ang tinutukoy nitong isa pang kongresista.

Pahayag ito ng kongresista sa kanyang Facebook kasabay ng pagsasabing sumailalim na siya sa 14-days mandatory quarantine dahil na-expose kay Yap na nagpositibo sa COVID-19.

Humingi rin ito ng panalangin dahil dalawa ng kongresita ang COVID-19 postitive habang dalawa ng empleyado ng Kamara ang namatay dahil sa kinatatakutang sakit at maraming iba pa ang person under monitoring at person under investigation.

“We bravely went to work and 2 of our congressmen are now positive with COVID-19, 2 congressional staff have died, many more are PUIs and PUMs”, pahayag ni Albano.

Sa tanong kung sino ang isa pang kongresista ang tinutukoy nito sabi ni Albano na sadyang itinago ang pangalan nito upang maprotektahan ang kanyang privacy.

Ito rin anya ang hiling ng hindi pinangalangang mambabatas.

Sa ngayon naman anya ay nagpapagaling na ito pero matindi ang sakit.

Pahayag ni Albano, “Yes. 2 congressmen confirmed with Covid-19:
1.Cong Eric Yap, recently.
2. one more Congressman (name withheld as he wants his privacy). He is recovering but was very much sick.”

Samantala, ayaw namang kumpirmahin no House Secretary-General Atty. Jose Luis Montales ang isa pang kongresista na sinabi ni Albano.

Sabi ni Montales, hindi pa nag uulat sa kanila ang nasabing kongresista kung natanggap na nito ang official confirmatory test mula sa RITM.

TAGS: 2 congressmen positive for covid 19, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2 congressmen positive for covid 19, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.