Water level ng Angat dam bumaba pa sa 197-meter level

Nasa 197-meter level na lang ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos mula sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes, March 26 ay 197.84 meters ang water level ng Angat.

Mas mababa kumpara sa 198.10 meters na water level nito kahapon.

Nadagdagan naman ng bahagya ang water level ng Ipo dam na nasa 101.09 meters at ang La Mesa dam na nasa 76.95 meters.

Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao at Binga dams.

Habag nabawasan ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

Read more...