Saudi Arabia nagpatupad na ng lockdown sa Riyadh

Nagpatupad na ng lockdown sa capital ng Saudi Arabia na Riyadh.

Sakop din ng lockdown ang Islamic holy cities na Mecca at Medina para maiwasan ang paglaganap pa ng COVID-19.

Lahat ng nakatira sa tatlong nabanggit na lugar ay babawalan na makalabas.

Hindi na rin papayagan ang pagpasok sa Mecca, Medina at Riyadh.

Mayroong mahigit 700 kaso ng COVID-19 sa Saudi Arabia at isa dito ang nasawi.

 

 

Read more...