outbrain

Sen. Bong Go, 2 kalihim nag-self quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 si Rep. Eric Go Yap

By Dona Dominguez-Cargullo March 26, 2020 - 05:49 AM SHARE(S):
Photo credit: Office of Sen. Bong Go
Sumailalim sa self-quarantine si Senator Bong Go matapos makasalamuha si ACT-CIS Part-list Rep. Eric Go Yap na nagpositibo sa COVID-19.

Sa ngayon sinabi ni Go na wala siyang nararamdamang sintomas ng sakit per bilang bahagi ng protocol at direkta niyang nakasalamuha si Go ay sasailalim siya sa self-quarantine.

Kapwa naghayag na rin sina Budget Sec. Wendel Avisado at Social Welfare Sec. Rolando Bautista na sasailalim sila sa self-quarantine.

Nakasalamuha nila si Yap sa isang pulong na ginanap sa Malakanyang noong March 21 para talakayin ang panukala na bigyan ng special authority si Pangulong Duterte sa paglaban sa COVID-19.

May iba pang mga senador at kalihim ang dumalo sa nasabing pulong.

Dumalo din si Yap sa special session na idinaos sa Kamara bago niya nalamang positibo siya sa COVID-19.

TAGS: bong go, COVID, COVID exposure, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, eric yap, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, bong go, COVID, COVID exposure, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, eric yap, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.