outbrain

VIRAL: Mga Bumbay namigay ng relief packs sa halip na maningil ng pautang

By Dona Dominguez-Cargullo March 26, 2020 - 05:37 AM SHARE(S):

Viral ngayon sa social media ang larawan ng mga Bumbay sa Bulacan na sa halip na maningil ng pautang ay nagbahay-bahay para mamigay ng relief packs.

Isang grupo ng mga Bumbay ang nagbahay-bahay sa Brgy. Gaya-Gaya, San Jose Del Monte Bulacan hindi para sa nakagawian nilang paniningil ng pautang sa araw-araw.

Hinatiran nila ng relief packs ang mga residente ayon sa viral post ng Facebook page na Master Epong.

Ayon sa post, batid ng mga Bumbay na dahil sa umiiral na enhanced community quarantine ay marami sa kanilang kliyente ay kapos na.

Maliban sa wala silang panghulog sa utang, wala din silang pambili ng makakain.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Indian Nationals, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, relief efforts, relief packs, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Indian Nationals, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, relief efforts, relief packs, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.