outbrain

BREAKING: Sen. Sonny Angara, positibo rin sa COVID-19

By Angellic Jordan March 26, 2020 - 01:46 PM

Inanunsiyo ni Sen. Sonny Angara na positibo siya sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng senador na natanggap niya ang resulta ng pagsusuri sa araw ng Huwebes, March 26.

Nakakaramdam aniya siya ng ilang sintomas ng sakit tulad ng mild fever, cough, headaches at general weakness.

Sinabi naman ni Angara na wala siyang nakasalamuha simula nang sumailalim siya sa pagsusuri noong March 16.

Humingi ng panalangin ang senador sa publiko para malampasan ng lahat ang banta ng COVID-19.

Inihirit din nito na patuloy na suportahan ang mga hakbang ng gobyerno para labanan ang sakit.

“Let us support out frontliners on the streets, in the emergency rooms as they are key to the effort,” dagdag pa ni Angara.

TAGS: COVID-19 positive, Inquirer News, Sen. Sonny Angara, COVID-19 positive, Inquirer News, Sen. Sonny Angara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.