outbrain

Iza Calzado, naospital dahil sa pneumonia

By Angellic Jordan March 25, 2020 - 11:36 PM

Naka-confine sa isang pagamutan ang aktres na si Iza Calzado dahil sa pneumonia.

Inanunsiyo ito ng aktres sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account.

Dahil sa pneumonia, sumailalim na siya sa COVID-19 testing.

Sa ngayon, hinihintay pa aniya ang resulta ng pagsusuri.

“It’s been a challenging time for me but it cannot compare to the frontliners who have cared for me and to whom I am so grateful. My heart goes out to everyone in these trying times, especially those who risk their lives every day to care for their loved ones,” ayon sa aktres.

Humiling naman ng panalangin ang aktres sa publiko para sa lahat ng may sakit at kanilang mga mahal sa buhay.

Maliban dito, dapat din aniyang ipagdasal ang mga medical worker na lumalaban sa COVID-19.

“I count this time as an opportunity to be kind. To be a source of love and light. With the grace of God, i can fight this and we all fight this together,” dagdag pa ni Iza.

TAGS: COVID-19 testing, Iza Calzado, pneumonia, COVID-19 testing, Iza Calzado, pneumonia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.