Dalawang pulis, nagpositibo sa COVID-19

By Jan Escosio March 25, 2020 - 10:44 PM

INQUIRER FILE PHOTOKinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa na dalawang pulis ang positibo sa COVID-19.

Ginawa ni Gamboa ang kumpirmasyon matapos ilabas ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM ang COVID-19 test result ng dalawa, isang 32-anyos na tauhan ng NCRPO at isang 52-anyos na nakatalaga naman sa Laguna.

Aniya, ang dalawa ay naka-self quarantine at ang kanilang kondisyon ay tinututukan ng mga doktor ng pambansang pulisya.

Dagdag pa ni Gamboa, base sa rekomendasyon ni Police Brig. Gen. Herminio Tadeo Jr., ang opisina ng dalawang pulis ay naka-lockdown na at sasailalim sa disinfection.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ang PNP-CIDG ng contact tracing para makilala ang mga nakasalamuha ng dalawang pulis.

Sa ngayon, may 709 pulis ang persons under monitoring (PUMs) at 61 ang persons under investigation (PUIs) dahil sa COVID-19.

TAGS: COVID-19 positive, Inquirer News, PNP chief Archie Gamboa, COVID-19 positive, Inquirer News, PNP chief Archie Gamboa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.