Prince Charles ng Britain, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo si Prince Charles ng Britain sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Batay sa anunsiyo ng Clarence House, nakitaan ang 71-anyos na susunod sa British throne ng mild symptoms ng nakakahawang sakit.

Gayunman, sinabi nito na nasa maayos pa ring kondisyon si Prince Charles at patuloy ang pagtatrabaho sa bahay sa nakalipas na mga araw.

Sa ngayon, nakasailalim na si Prince Charles sa self-isolation sa isang royal estate sa Scotland.

Samantala, sinabi ng Clarence House na negatibo naman ang resulta ng isinagawang pagsusuri sa asawa nito na si Duchess Camilla.

Isinagawa ang pagsusuri kay Prince Charles at Duchess Camilla ng National Health Service sa Scotland.

Dagdag pa ng Clarence House, hindi pa tiyak kung saan nakuha ni Prince Charles ang virus dahil sa dami ng dinadaluhan nitong engagement sa mga nakalipas na linggo.

Read more...