outbrain

San Pedro, Laguna nakapagtala ng dalawang kaso ng COVID-19

By Angellic Jordan March 25, 2020 - 07:37 PM SHARE(S):

Nakapagtala ng dalawang kaso ng COVID-19 sa San Pedro, Laguna.

Sa inilabas na abiso ni Mayor Lourdes Cataquiz, iniulat ng San Pedro City Health Office na naitala ang dalawang kaso sa araw ng Miyerkules, March 25.

Kabilang sa mga kaso ng COVID-19 ang mga sumusunod:
– 71-anyos na babae, residente sa Barangay Pacita 1
– 52-anyos na alaki, residente sa Barangay Fatima

Naka-admit aniya ang dalawang pasyente sa magkahiwalay na ospital sa labas ng San Pedro.

Patuloy namang hinikayat ni Cataquiz ang mga taga-San Pedro na manatili na lamang sa loob ng bahay.

Nanawagan din ito ng panalangin para sa kaligtasan ng lahat.

TAGS: COVID-19 update, Inquirer News, Mayor Lourdes Cataquiz, san pedro laguna, COVID-19 update, Inquirer News, Mayor Lourdes Cataquiz, san pedro laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.