Ayon kay Villar, maari ding magamit na temporary housing ng medical at healthcare workers at quarantine facility ang mga gusali ng Vice Mayors League of the Phils., at Provincial Board Members League.
Ang tatlong gusali ay ipinatayo ng pamilya ng senadora at naging donasyon sa gobyerno.
Nabatid na ang pamilya Villar na rin ang magbibigay ng pagkain ng lahat ng kawani ng LPGH.
Sinabi ni Villar na ang rehabilitation center ay may higit 240 patient capacity at ang mga sumasailalim sa rehabilitasyon ay maaring ilipat muna sa isa pang gusali.
Ayon kay Villar, tumataas na ang bilang ng mga pasyente ng COVID-19 at kailangan nang gumawa ng paraan para masiguro na mapapangalagaan ang lahat, ang mga maysakit maging ang mga nag-aalaga sa kanila.