Drug rehab center sa Las Piñas, ginawang COVID-19 facility

By Jan Escosio March 25, 2020 - 06:09 PM

Ipinagamit ng pamilya ni Senator Cynthia Villar sa Las Piñas General Hospital (LPGH) ang donasyon nilang tatlong gusali, kabilang na ang Las Piñas Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center.

Ayon kay Villar, maari ding magamit na temporary housing ng medical at healthcare workers at quarantine facility ang mga gusali ng Vice Mayors League of the Phils., at Provincial Board Members League.

Ang tatlong gusali ay ipinatayo ng pamilya ng senadora at naging donasyon sa gobyerno.

Nabatid na ang pamilya Villar na rin ang magbibigay ng pagkain ng lahat ng kawani ng LPGH.

Sinabi ni Villar na ang rehabilitation center ay may higit 240 patient capacity at ang mga sumasailalim sa rehabilitasyon ay maaring ilipat muna sa isa pang gusali.

Ayon kay Villar, tumataas na ang bilang ng mga pasyente ng COVID-19 at kailangan nang gumawa ng paraan para masiguro na mapapangalagaan ang lahat, ang mga maysakit maging ang mga nag-aalaga sa kanila.

TAGS: COVID-19, Las Piñas Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center, Las Pinas General Hospital, Sen. Cynthia Villar, COVID-19, Las Piñas Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center, Las Pinas General Hospital, Sen. Cynthia Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.