outbrain

Friendship Suites, magsisilbi nang isolation facility para sa COVID-19 PUIs sa Makati

By Angellic Jordan March 25, 2020 - 05:27 PM


Inihanda na ang Makati Friendship Suites para magsilbing isolation facility ng COVID-19 persons under investigation (PUIs) sa lungsod.

Ayon kay Mayor Abby Binay, sa nasabing dating hotel sa bahagi ng Barangay Cembo, dito na mabibigyan ng atensyong medikal ang mga pasyente sa Makati.

Layon din aniya nitong mapigilan ang local transmission ng COVID-19.

Kayang ma-accommodate ng pasilidad ang 100 pasyente.

Tiniyak ng alkalde na pamamahalaan ang pasilidad ng mga doktor at nurse mula sa Ospital ng Makati.

Nakahanda na rin aniya ang X-ray machines, defibrillators, at cardiac monitors sa dating hotel.

Maliban dito, binuo rin sa lungsod ang Emerging and Re-Emerging Infectious Disease (EREID) team kabilang ang ilang opisyal mula sa Makati Health Department, sanitation workers ng Department of Environmental Services, Makati Police Department.

TAGS: COVID-19 PUIs, COVID-19 update, Inquirer News, isolation facility in Makati, Makati Friendship Suites, Mayor Abby Binay, COVID-19 PUIs, COVID-19 update, Inquirer News, isolation facility in Makati, Makati Friendship Suites, Mayor Abby Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.