Watch: Seng Guan Temple sa Maynila, dinagsa ngayong Chinese New Year

By Erwin Aguilon February 08, 2016 - 11:27 AM


Ngayong Chinese New Year, maaga pa lamang ay dagsa na ang ating mga kababayang Tsinoy sa Seng Guan Temple sa Narra St, Tondo, Maynila.

Simula kahapon ng umaga ay bukas ang Seng Guan Temple na dinadagsa ng mga Filipino-Chinese para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Nagtutungo sila sa templo para magpasalamat sa Bagong Taon at upang pumasok ang suwerte ngayong year of fire monkey.

Gumagamit din sila ng insenso habang nagdarasal.

Mayroon ding dalang mga alay ang mga nagtutungo sa templo.

Sa labas naman ng templo, maraming mga pampaswerte na ibinebenta tulad ng tikoy, prutas, ibon o palipad at mga damit na kulay pula.

TAGS: Chinese New Year, Seng Guan Temple, Chinese New Year, Seng Guan Temple

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.